Sarili mo.
Minsan, sarili mo lang ang tangi mong masasandalan.
Kahit gaano pa ka-kaunti o karami ang tunay mong kaibigan. Darating talaga yung punto na sa sarili mo lang talaga ikaw naka-asa, wala nang iba.
Yung tipong may mga bagay-bagay ka na hindi masabi sa iba o kaya naman ay may mga desisyon ka na kailangan mong gawin at ang tangin maasahan mo ay sarili mo lang talaga.
Hindi ako yung tipo ng tao na pala-asa sa iba. Siguro ang motto ko ay: “Kung ayaw mo, di wag mo”. Kaya kaya kong gawin yung mga bagay-bagay na hindi kayang gawin ng iba na mag-isa. Minsan kasi mas nakakabuti pa. Para iwas gulo o sakit sa ulo na rin siguro. Minsan kasi, nakakapagod na magpaliwanag sa iba. Imbes na sarili mo na lang yung inaalala mo, aalalahanin mo pa yung sasabihin o iisipin ng iba.
Pero gayun pa man, iba pa rin yung may katuwang ka sa buhay. Yung pamilya mo, yung mga kaibigan mo, yung iniibig mo o kung sino-sino pa. Pero lagi lang nating pakatandaan na may mga ganitong punto kaya huwag tayong masyadong dumepende sa iba sa lahat ng aspeto ng ating buhay.
(Source: hspy)







